Costume Styling for CONTRA MUNDUM: Ang All-Star Concert ng “Ang Larawan”
Ano ba ang halaga ng isang obra? Ano ba ang halaga ng mga pamana?
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Pamana, at bilang bahagi ng ating isang taong pagdiriwang ng ika-50 taon ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining, muling ibinabalik ng MET, sa pakikiisa ng Culturtain Musicat Productions, “ Ang Larawan”, ayon sa orihinal na dula ni Pambansang Alagad ng Sining Nick Joaquin, na isinalin sa Filipino ni Pambansang Alagad ng Sining Rolando Tinio, kasama ang musika at pagsasaayos ni Pambansang Alagad ng Sining Ryan Cayabyab, at orihinal na disenyo ng pananamit ni Pambansang Alagad ng Sining Badong Bernal.
Tinatawag tayong tumuloy sa sala ng mga Marasigan sa CONTRA MUNDUM: ANG ALL-STAR CONCERT NG “ANG LARAWAN”, na pinagbibidahan ng mga pinaka-pipitagang mga artista mula sa entablado, pelikula, at telebisyon ng ating panahon. Tulad nila, titindig din tayo sa harap ng Larawan, at kikilatisiin din natin ang tawag ng nakalipas at ng hinaharap.
Gaganapin ang konsiyerto sa Sabado, Mayo 6, sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Tanghalang Metropolitan, Maynila,
Back to All Events
Earlier Event: December 1
Throwback with The Company and Jon Santos